Sa mga huling parte ng ating pag-aaral ng Kontemporaryong isyu, marami po ang tumatak at namalagi sa aking isipan. Sa huling yugto ng ating pag-aaral ng Kontemporaryong isyu, ating tinalakay ang ukol sa Mga Isyung Pang-edukasyon, Isyu ukol sa Pakikilahok na Pansibiko, at Isyu ukol sa Pakikihalok na Pampolitika. Hindi lang marami ang aking natutunan sa ating mga pag-aaral, kundi namulat din po ako sa mga magaganda at masasaklap na katotohanan na siyang realidad na nagaganap sa ating bansa. Hayaan po ninyong aking maisaad ang aking mga nalaman at natutunan sa ating mga pag-aaral.
MGA ISYUNG PANG-EDUKASYON
Unahin nating talakayin ang isyung ukol sa edukasyon sa ating bansa. Sinasabi nila na ang kabataan ang siyang kinabukasan ng bayan. Marahil sapagkat ang mga kabataan ang siyang inaasahan na siyang magiging dahilan ng pag-unlad ng isang bansa pagdating ng takdang araw. Kailangang magkamit ng mataas na uri ng edukasyon ang mga kabataan na kanilang gagamitin upang maisakatuparan ito. Paanong ang edukasyon ang siyang magiging dahilan ng pag-unlad ng isang bansa? Ang edukasyon ay napakahalaga upang tumaas ang katayuan ng pamumuhay ng tao dahil ito ang makatutulong sa kanya na makapaghanapbuhay nang maging maunlad at matiwasay. Ngunit ito nga ba ang nangyayari sa kasalukuyan nating panahon? Ayon sa mga pag-aaral na ginawa ukol sa edukasyon, maraming mga hindi magagandang isyu ukol sa sistema ng ating edukasyon. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- Mababang kalidad ng edukasyon sa ating bansa
- Kakulangan ng mga tamang bilang at kwalipikado o mahuhusay na guro
- Mababang sahod ng mga guro
- Mababang kakayahan na mabayaran o affordability
- Maliit ang budget ng pamahalaan para sa edukasyon
- Kakulangan ng mga paaralan
- Kakulangan ng mga aklat at kagamitan sa paaralan
- Kakulangan sa bilang ng mga guro
- Paghinto sa pag-aaral o drop-out ng mga mag-aaral sa paaralan
Sa paglalahat ukol sa isyu ng edukasyon sa bansang Pilipinas, ipinapakita lang ng mga pangyayaring ito na marami ang naging pagkukulang ng ating pamahalaan, gayun din ng mga mamamayan, sa pagpapaunlad ng edukasyon sa ating bansa. Ngunit kung magsisikap tayong gumawa ng mga solusyon upang lutasin ang mga suliraning ito, hindi magiging imposible na umangat din ang uri ng edukasyon sa ating bansa balang araw.
ISYU UKOL SA PAKIKILAHOK NA PANSIBIKO
Ikawala ay ang usyo ukol sa pakikilahok na pansibiko. Ang pakikilahok na pansibiko o civic engagement/ civic participation ay tumutukoy sa mga kolektibong gawain tungo sa paglutas ng mga isyung pampubliko. Bilang isang mamamayan sa aking bayan, tungkulin ko na makiisa sa mga gawaing pansibiko o mga programang makatutulong sa aking kapuwa Pilipino. Iyan ang aking natutunan sa ating pag-aaral ukol sa isyung ito. Hindi sukatan ang pagiging angat sa lipunan, ang kayamanan, ang kapangyarihan upang makatulong sa ating kababayan. Ang pagtulong o pakikilahok na pansibiko ay gawaing udyok ng ating pagmamahal sa ating kapuwa. Ang pagiging makabayan ay isang katangian ng isang aktibong mamayan. Ang pagiging makabayan ay maipapakita sa pamamagitan ng pagmamahal natin sa ating sariling bansa. Maipapakita naman natin ang ating pagmamahal sa ating sariling bansa sa pamamagitan ng pagiging tapat sa ating republika at pakikipagkaisa sa mga ipinapatupad na alituntunin ng ating pamahalaan. Natutunan ko rin po na ang pagiging matulungin sa kapuwa ay isang uri na ng pakikilahok na pansibiko. Sa simpleng pagtulong sa ating kapuwa tao na nangangailangan ng tulong, nagagampanan na natin ang ating tungkulin bilang isang mamamayan ng ating bansa. Tayong mga Pilipino ay likas na matulungin. Meron tayong tinatawag na "bayanihan" na karaniwan nating makikita kapag may naglilipat ng bahay kung saan tumutulong ang iba pang mamamayan upang mapagaan ang trabahong gagawin. Akin pong natutunan sa leksyong ito na mas magiging madali at mas magiging magaan ang gawain kung tayo'y magtutulungan at magdadamayan sa tuwina bilang iisang lahi, iisang kulay, at iisang pagkamamamayan na naninirahan sa iisang bansa.
ISYU UKOL SA PAKIKILAHOK NA PAMPOLITIKA
Ang ikatlo at ang pinakahuling isyung ating tatalakayin ay ang isyu ukol sa pakikilahok na pampolitika. Kapag politika ang pinaguusapan, ang unang pumapasok sa ating isipan ay ang pamahalaan. Sa ating bansa, ang bansang Pilipinas, ang ating pamahalaan ay isang demokrasya na kung saan ang mga mamamayan ang may kapangyarihang politikal at hindi ang mga nangunguna sa bansa. Tungkulin nating mga mamamayan na makilahok sa mga programang pampolitika ng ating bansa. Kabilang dito ay ang pagboto. Dahil nga ang may hawak ng kapangyarihang politikal sa ating bansa ay ang mga mamamayan, tayo ang binibigyan ng karapatan upang maghalal ng taong sa tingin natin ay tapat na maglilingkod at magpapaunlad ng ating bansa. Karapatan nating mga Pilipino na bumoto ayon sa ating naisin nang walang halong panunuhol at pananakot ng mga may kapangyarihang inaasam na magkapwesto sa pamahalaan. Ngunit bilang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo, ang nagpapasya sa kung sino ang iboboto nating kandidato sa halalan ay ang ating Tagapamahalang Pangkalahatan dahil ito ang doktrinang ating natutunan mula sa mga banal na kasulatan na siyang itinaguyod ng Sugo sa mga huling araw.
Isa pang pamamaraan ng pakikilahok na pampolitika ay ang pagbabayad ng buwis. Maraming uri ng buwis:
- Buwis pampamayanan o sedula- buwis na ibinabayad ng bawat mamamayan na 18 pataas ang gulang.
- Income tax- buwis na ibinabayad ng may trabaho o negosyo.
- Real state tax- buwis ukol sa lote o lupa
- Inheritance tax- buwis na ibinabayad sa mga minanang ari-arian.
- Buwis sa iba pang-ari-arian - buwis na ibinabayad kapag meron kang sasakyan.
- Buwis sa mga negosyo at iba pang kalakal- buwis na ibinabayad kapag meron kang tindahan, restawrant at iba pang katulad nito.
- Value-added tax (VAT)- ito ay buwis na ibinabayad kapag bumibili tayo ng mga bagay gaya ng pagkain, kasuotan, at kagamitan.
salaamat po may natutunan ako nito
TumugonBurahinMaraming salamat!
TumugonBurahinWynn Casino and Spa in Las Vegas, Nevada - Mapyro
TumugonBurahinProperty Location With a stay at Wynn Casino and Spa, you'll be centrally located in Las Vegas, steps from Wynn Casino and 15 대전광역 출장마사지 minutes by foot from Fashion Show Mall Room types: Non-smoking roomsSuitesSmokiProperty amenities: Free parkingFree 구미 출장안마 High SpRoom features: Air 강원도 출장안마 conditioningHousekeeping Rating: 4.5 · 8,406 경산 출장안마 reviews · Price range: $ (Based on Average Nightly Rates for a Standard Room from our Partners)Which popular 부산광역 출장안마 attractions are close to Wynn Casino and Spa?What are some of the property amenities at Wynn Casino and Spa?